Thursday, July 17, 2008

Litratong Pinoy #16: Luntian (Green)

 
Ito ay kuha sa Lizard Peninsula ng Cornwall ang pinaka-kanluranin na probinsiya ng Englaterra. Ayaw ko sanang isama ang ilang ligaw na damo sa harap ng litrato pero isang urong ko pa at ako'y isang kawawang pisat at bali-baling tao. Nakabingit sa malalim na bangin ang lugar na ito kaya't may hangganan ang aking pagpapaka-dakila sa pagkuha ng litrato.

Ang karamihan ng 'damo' dito ay hindi talagang damo kundi isang tipo ng 'succulent' na halaman na tinatawag na sedum pachyphyllum o jelly beans sa mas madaling salita. Nakakapamangha na ito ay lumaganap sa buong kapaligiran ng bangin na ito.


Lizard Peninsula

This is taken in the Lizard Peninsula which is the western-most county of England. I really did not intend to include some of the wild grass in the foreground but one more move on my part and I am one poor splattered and broken-boned person. This area is at the edge of a high cliff therefore my sacrifice to photography has got limits.

Most of the 'grass' that you see here is not really grass but a type of succulent plant called sedum pachyphyllum or jelly beans in common language. It's amazing to note that this plant spread out all over the whole cliff face.

No comments: