Siguro alam nyo na dahil Tagalog ko sinulat ito ay dahil magre-reklamo ako. :)
Hindi maganda ang naging araw ko kahapon. Mula umaga hanggang gabi kundi may naiinis sa akin o may kina-iinisan ako.
Unang-una ay itong kasamahan ko sa trabaho. Nagkamali ako ng konti sa salitang ginamit ko sa email invite na pinadala ko sa kanya. Aba, nireject ba naman at sinabi doon na hindi daw niya ine-expect na siya ay magpre-present. Wala akong problema doon sa pagtutol nya pero susmaryosep 1.5 metro lang ang layo nya sa akin sana kinalabit na lang nya ako at sinabi nya ang hindi nya pagsang-ayon. Samantalang kinse minutos bago nito eh masayang nagkukwentuhan kami ng buhay-buhay. Bigla na lang nag-iba ang turing nya sa akin. Pakiramdam ko ay parang bata o pusong mamon o ewan ko kung may topak itong taong ito.
Sumunod naman ang kapit-bahay namin. Nagulantang na lang asawa ko nang paglabas nya ng pinto ay pinuputol nila ang malaking halaman na malapit sa boundary ng aming bahay. Wala na siyang magawa dahil nakalbo na ng husto. Nang makita sya ng kapitbahay sabi ba naman ay - "pinuputol na namin ito okay lang ba?". Eh ano pa bang magagawa eh putol na! Tignan nyo ginawa:
Hindi man lang nag sabi bago ginawa ito. Bago kasi nito ay pinutol nila ang hedge at parte ng halaman (bush) na yon na nakalawit sa parte nila. Nagpasintabi sila at sabi namin ay putulin nila ang nasa kanilang side. Baka akala nila porke't hindi namin ginagalaw yung sa ganang sa amin ay bale wala na ang halamang iyon. Naiinis pati mga anak ko lalo na yung bunso kasi nga naman bahayan ng ilang ibon iyon at natutuwa siyang panoorin ang nagliliparang minsang maingay na ibon. At ang bush na yon ang nagsisilbing tabing namin para hindi kami nakita mula sa kalye kapag lumalabas kami sa side door. Iyon din ang proteksyon ng bahay sa minsa'y malakas na hangin na nanggagaling sa harap. Nakakapanibago paglumalabas ako pakiramdam ko parang lantad na lantad kami. Haaaay!
Tapos nagka enkwentro naman kami ng panganay ko. Grumpy siya dahil mag singaw at hindi makaka-kain. Aba nagtatatarang ba naman dahil sa mga problema nya. Ano daw ang kakainin nya. Kapag tinatanong ko naman alam ko daw dapat ang mga paborito nya. Sa madaling salita gusto niya akong maging psychic at hulaan ang nasa isip nya. Kapag nililista ko ang mga alam kong paborito nya lahat ayaw. Haay buhay nanay ...
Kaya nang gabi ay nanahimik na lang ako at nag blog. Mabuti pang kasama ang computer hindi nagrereklamo. Huwag lang mawalan ng broadband access. Hehehe!
No comments:
Post a Comment