Tuesday, November 02, 2004

Going Out Of My Head Over You ... Day & Night, Night & Day & Night

Nyemet. Ano ba ito, dalawang araw na pero umiinog pa rin sa utak ko. May dala si Deng na CD mula Pinas, pinakinggan namin sa van, tawa kami ng tawa. Pero hanggang ngayon nadidinig ko pa rin sa utak ko yung kanta ...

Si-ge na (a-hay)
... At kung seksi 'kat maganda baka libre pa. (ayyy)

Ano bang title niyan? Canton? Lekat na yan, dahil asar ako sa kanta eh malakas ang recall sa akin. Kung bakit naman yan pang novelty song na napang-asar ni Joey de Leon at Sexbomb gels ang natipuhan. Kaya nakikinig ako ngayon ng ibang oldies baka sakaling ma over-write para matantanan ang peace of mind ko. Paano kaya kung parang CD-R yung utak ko, puedeng write pero wala ng bura? Ngek!

Eto ang isang peborit oldie ko na matagal ko ng hindi napakinggan:

Tell Mama
(Savoy Brown)

Quit my job, aint got no money
Seems I have to leave this town
Packed my bags, run to the station
Board the train thats eastward bound

(chorus)
Tell Mama
And all the folks back home
Sometimes a man just feels
He's got to make it alone
Tell Mama
Why I'm leaving so soon
Because this life I live
Has got me sick through and through

Nothing to do, thats why I had to go
Seemed no use in hanging round
I can't stop now, the tickets in my hand
Board the train thats eastward bound
(chorus)

Quit my job, aint got no money
Seems I have to leave this town
(chorus)


Hindi ko alam na dito pala nagsimula sa UK ang Savoy Brown. Pero sa original line-up ay si Kim Simmonds na lang ang natira. All the rest are Americans and they are now based in the US.

4 comments:

fionski said...

Sino nagpapa canton dito? Sabayan niyo na rin ng BJ(buko juice). Hehehe.

celia kusinera said...

hello fionski, naku huwag mo ng ipa-alala sa akin dahil ngayon naman - "Ispaghetting pababa pababa ng pababa ..." ang naririnig ko. Arrgghh!

rolly said...

Wow! Savoy Brown! Ang tagal ko na ring di nadidinig yan. Idol ka talaga. Napanood ko pa ang grupong ito sa TV. Do you remember "In Concert?" Yung singer nakasuot ng t-shirt na may nakalagay na Elvis at naka-beret.

celia kusinera said...

hi tito rolly, hehehe! okay ba ang Savoy Brown? Yeah naalala ko yung In Concert TV shows. Pero hindi ko yata na tiempuhan ang Savoy Brown. Ang tagal na nuon ah!