Thursday, October 30, 2008

Litratong Pinoy 31: Kadiliman (Darkness)


One night as me and my youngest were locked in tight embrace on the sofa while watching a particularly scary horror movie I glanced over to the window beside me. I felt my heart stop beating when I saw in the middle of complete darkness outside the window a pair of green luminous eyes that was looking at me intently. It's a good thing I recognized that it was that darn black cat of our neighbor. I thought I was going to have a heart attack from fright. Shoooo cat!

Isang gabi habang kami ng bunso ko ay higpit na magkayakap sa sofa habang nanonood ng isang kahindik-hindik na horror na sine, napalingon sa aking katabing bintana. Tila tumigil ang pagtibok ng aking puso ng makita ko sa gitna ng kadiliman sa kabila ng bintana ang dalawang umiilaw na berdeng matang nakatitig ng matalim sa akin. Buti na lang at nakilala kong iyon ay ang lekat na pusang itim ng aming kapitbahay. Muntik na kong atakihin sa puso sa pagka-gitla. Tsupiii!

Thursday, October 23, 2008

LP#30: Liwanag (Light)


I am fascinated by old churches. A recent training course in the City of London (financial centre) gave me a chance to get into the old churches within its one square mile area during my lunch breaks. This one is the church of St. Mary Abchurch (double barrelled church!). Inside it was very dark when I first went in that I could hardly make out some of the statues, signs, and decors. After a few minutes the sun suddenly shone fiercely and it came flooding through the huge windows illuminating everything. It's as if the spirits in the church decided to give me a show to flaunt the beauty of the paintings on the ceiling and of the whole church. I wonder what that Hebrew word in the centre of the painting means?

Ako'y sadyang naakit ng mga lumang simbahan. Nag-training ako kamakailan sa City of London kaya't ako'y nagkaroon ng pagkakataon na makapasok sa mga lumang simbahan sa paligid nito sa aking lunch breaks. Ito ang simbahan ng St. Mary Abchurch. Madilim sa loob nang una akong pumasok at hindi ko halos maaninag ang mga imahen, karatula o dekorasyon. Makalipas ang ilang minuto ay biglang suminag ang araw at ang liwanag ay bumaha sa mga malalaking bintana na nagbigay liwanag sa lahat ng bagay sa loob nito. Para bang ang mga espirito ng simbahan ay napagpasiyan na bigyan ako ng pagtatanghal para maipakita ang ganda ng mga larawan sa kisame at ng buong simbahan. Ano kaya ang ibig sabihin ng salitang Hebrew na nasa gitna ng painting?




Monday, October 06, 2008

Litratong Pinoy #27: Aking Kompyuter


Marapat lang na i-blog ko itong aking computer sa trabaho. Baka kasi eto na ang mga huling sulyap at gamit ko sa kanya. Merong darating na tanggalan at walang nakakasiguro sa kanyang trabaho sa gawing amin. Kaya't mahal kong laptop at extension monitor sana'y hindi pa ako mawala sa piling mo. (naks!)

It's just right that I blog about my computer at work. It might be my last few glimpses and use of it. There is a coming redundancy at work and none of us are assured of our work in our area. So my dear laptop and extension monitor I hope I won't have to leave you yet.