I should have blogged about her last Thursday. She would have been appropriate as well for the Litratong Pinoy theme of "Maalaala Mo Kaya" (do you remember). Why her?
Firstly, I stayed with her during school terms from Grade 1 (6 years old) up to Grade 6 (12 years old) only going back to my parents during vacations and holidays. She practically raised me during my formative years. With her, I've gotten used to working hard, being diligent, and being persistent with whatever you're doing. She need not tell me words of wisdom. Her actions are enough to instil in me that no problem or job is insurmountable as long as you keep working at it and even if you have to do it a little at a time.
Secondly, she died last week on a Friday in the morning at a ripe old age of 96. I used to say that I honestly cannot remember if I feel close to her. But as tears flowed from my eyes I can frankly say now that she may not be much in my mind but she is definitely imbedded in my heart.
Goodbye Lola Ebia, thank you for all your care and sacrifices for us your family. May you rest cradled God's arms in peace.
Dapat nuong isang Huwebes ko pa siya nai-blog. Tamang-tama rin siya sa tema ng Litratong Pinoy noon na "Maalaala Mo Kaya?". Bakit siya pa?
Una, ako'y tumira sa kanya mula noong ako'y Grade 1 (6 taon) hanggang Grade 6 (12 taon) at bumabalik lang sa aking magulang kapag bakasyon. Siya halos ang nagpalaki mula sa aking kamusmusan. Dahil sa kanya, nakagisnan ko na pahalagahan ang sipag at tiyaga sa kahit ano mang tahakin. Hindi na niya kailangang magbitiw ng salitang aral. Ang kanyang gawa ay sapat na maiwan sa akin ang diwa na walang problema o trabahong hindi makakayanan hangga't patuloy na gumagawa kahit na paunti-unti lamang.
Pangalawa, namatay siya noong Biyernes ng umaga sa hinog na gulang na 96 taon. Dati ang sinsabi ko ay hindi ko matandaan kung naging malapit nga ako sa kanya. Ngunit habang dumadaloy ang luha sa aking mga mata, natanto ko na hindi man siya masyadong nasa isip ko siya naman ay naka-ukit sa aking puso.
Paalam Lola Ebia. Salamat sa iyong pag-aruga at sakripisyo sa amin na iyong pamilya. Nawa'y humimlay kang mapayapa sa bisig ng Diyos.
4 comments:
Nakikiramay kami CeliaK. Sana ipagpatuloy mo ang lahat ng natutunan mo sa iyong Lola. Yun ang isa sa mga magagandang pagbibigay pugay sa kanya.
Her face and dress remind me of a very generous and selfless lady who also brought me up like her own daughter. :)
Your lola looks easy-going and patient. I'm sure you had a very happy time growing up with her - and lots of happy memories to keep you through life.
Thanks Junnie & Soy.
I miss my lola...
Tita C, pasensha ka na ngayon ko lang nabasa ito...pakikiramay mula sa akin.
Wala man sya sigurado naman ako na alam nya na mahal mo sya at miss mo sya..nakangiti sya lagi habang pinagmamasdan ka mula sa kinaroroonan nya.
*hugs..tight hugs* from Holland
Post a Comment